200 mangingisda at magsasaka sa Siargao Islands, natulungan ng PCOO at ng iba’t-ibang ahesiya ng gobyerno

Kabuuang 200 mangingisda at magsasaka sa Siargao Islands ang nakatanggap ng tulong mula sa Aid and Humanitarian Operations Nationwide (AHON) ng gobyerno nitong July 1, 2021.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, tulong ito para sa mga residente ng Dapa town at San Isidro sa Surigao del Norte na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ani pa ni Andanar, unang bugso pa lamang ito ng tulong sa ilalim ng inisyatibo ng inter-agency kung saan full action din ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ibinibigay nitong tulong magmula nang maupo ito sa pwesto noong June 30, 2016.


Maliban sa AHON, namigay rin ang Department of Agriculture ng mga buto ng pananim at tulong sa irrigation system sa Dapa.

Habang mayroong ding P3 million tulong pinansiyal na ipinagkaloob sa Enhanced KADIWA ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

Tumulong din sa Dapa town ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung saan aabot sa P3,000 pesos ang ipinamahagi sa 100 benepisyaryo sa San Isidro.

Hindi naman nagpahuli ang Department of Trade and Industry sa pamimigay ng tulong kung saan ibinahagi nito ang Pangkabuhayan para sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) para sa mga negosyong naapektuhan ng pandemya.

Sa ngayon, taos puso ang naging pasasalamat ni Dapa City Mayor Abeth Matugas sa PCOO, DA, DSWD at DTI para sa naging tulong nila sa mga magsasaka at mangingisda sa Dapa at San Isidro Town.

Facebook Comments