200 Bagong Cctvs, Ilalagay Sa Kamara Para Sa Canvassing

8

MANILA – Aabot sa dalawang daang cctv ang binili ng kamara bilang paghahanda sa presidential at vice presidential canvassing.Ayon kay House Sgt. at Arms Gen. Nicasio Radovan Jr ang mga nasabing cctv ay ipapakalat sa buong batasan complex.Papalitan na rin aniya nila ang mga lumang cctv na ang iba ay hindi na gumagana.Target aniya nilang matapos ang installation ng mga bagong cctv hanggang abril 15 para may sapat na panahon silang maisailalim ito sa testing bago angMay 9elections.Aabot sa 54 milyon ang inilaang pondo para sa mga nasabing cctv.Kaugnay nito bumuo na rin ang kamara ng task force canvassing na mangangasiwa sa lahat ng preparasyon para sa canvassing.Makakatuwang naman aniya nila pagdating sa security ang PNP at AFP.

Facebook Comments