200 bags ng hybrid rice ipinagkaloob ng MAFAR BARMM sa mga magsasaka sa South Upi

Dalawang daang bags ng hybrid corn seeds ang inihatid ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform-MAFAR-BARMM sa mga miyembro ng Towong Fingga Organization sa Sitio Timanan, Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao.

Ang aktibidad ay isinagawa sa tulong Local Government Unit sa pamamagitan ni Vice Mayor Imelda B. Estorninos at Designated Municipal Agricultural Officer Seeham S. Pangol.

Ayon kay Estorninos ang naturang bags ng corn seeds at ang 200 bags pa na nauna nang inihatid ng MAFAR-Maguindanao ay ipamamahagi sa mga magsasaka ng barangay Kuya, Pandan, Romongaob, Pilar, Itaw, Kigan at Looy.


Samantala idinagdag naman ni MAFAR Regional Corn and Cassava Focal Person Akmad A. Abdullah, ayon sa direktiba ni Minister Dr Mohammad S. Yacob, ang farm inputs ay ihahatid dirakta sa komunidad sa layuning lumago pa ang produksyon ng mga magsasaga.

Ang pamamahagi ng hybrid corn seeds ay pinondohan sa ilalim ng 2019 El-Niño funds mula sa Department of Agriculture.

Facebook Comments