200 biyaherong stranded sa Matnog Port, inilikas dahil sa Bagyong Dante

74

Aabot sa 200 pasahero ang stranded sa Matnog Port sa Sorsogon matapos suspendehin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe papuntang Visayas at Mindanao bunsod ng Bagyong Dante.

Ayon kay Matnog Philippine Ports Authority Terminal Management Office Acting Division Manager Achille Galindes, pinalabas ng pantalan ang mga stranded na pasahero at sasakyan para ilikas sa evacuation center ng Local Government Unit (LGU) matapos isailalim sa Signal No. 2 ang lalawigan.


Maliban dito, naglabas din ng abiso ang Land Transportation Office sa Bicol na kanselado ang biyahe ng mga sasakyang papunta sa naturang rehiyon.

Maibabalik lang sa normal ang biyahe ng mga sasakyang pandagat, kapag inalis na ng PAGASA ang storm signal sa lalawigan.

Facebook Comments