Nabigyan ng panibagong pag-asa ang dalawang daang residente ng Dagupan matapos isagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), ang malawakang TUPAD profiling kahapon, November 25, 2025.
Layunin ng Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged and Displaced Workers (TUPAD) na agarang makapaghatid ng kabuhayan at pansamantalang hanapbuhay para sa mga manggagawang naapektuhan ng iba’t ibang krisis.
Sa isinagawang profiling, masusing tinukoy ang pangangailangan ng 200 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor upang matiyak na akma ang tulong na kanilang matatanggap.
Nagpahayag ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa walang humpay na suporta ng DOLE sa kapakanan ng mga manggagawa.
Ayon sa LGU, ang mga programang tulad ng TUPAD ay mahalagang hakbang upang maipakita ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng bawat Dagupeño at upang maibsan ang epekto ng economic displacement lalo na sa panahon ng unos.
Tiniyak naman ng mga tanggapan na magpapatuloy ang kanilang pagtutulungan upang maitayo ang mas inklusibo, mas matatag, at mas maunlad na komunidad para sa lahat ng Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









