Posibleng bumaba sa 200 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Pebrero.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, kasama rin sa kanilang pagtataya ang 1,000 average daily cases sa buong bansa sa pagtatapos ng Pebrero kung saan ito rin ang nakita ng OCTA noong nakaraang taon bago ang Omicron surge sa bansa.
Sa kasalukuyan ay nakapagtala ang NCR ng 632 na bagong impeksyon base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH).
Dagdag pa ni David na karamihan sa mga bagong kaso ay bunsod ng Valentines spike kung saan mas mataas ito sa kanilang projection noong Enero.
Samantala, inaasahan naman OCTA na magiging mas mababa sa 5% ang positivity rate ng NCR sa Marso 1.
Facebook Comments