200 Driver nasampulan sa Absolute No Parking Policy sa Cotabato City

Sumailalim sa Seminar ang mahigit dalawang daang mga tsuper/motorista na sinasabing naaktuhang lumabag sa Absolute No Parking sa Sinsuat at Quezon Avenue simula noong araw ng lunes.

Sa impormasyon mula mismo kay City Mayor Cynthia Guiani, karamihan sa mga ito ay mga taga syudad habang may iilan ding dayo. Sinasabing Illegal Parking at pag Counterflow ang nilabag ng mga ito.

Nauna ng hinimok ng LGU na sanay makiisa ng lahat ng mga motorista para na rin sa tuloy tuloy na katiwasayan sa lansangan.


Mismong si Public Safety Officer Gen. Rolen Balquin ang nanguna sa pag-papaalala sa mga motorista.

Matapos ang seminar, sakaling mahuhuling lalabag muli ang mga ito, ay makakapagmulta na ang mga ito mula 1 libong peso, limang libong pero o tuluyang hindi na pahihintulutan makapagmaneho

Facebook Comments