200 Filipino Teachers, magtuturo ng English Language sa Spain – DepEd

Aabot sa 200 Pilipinong Guro ang inaasahang magtuturo ng wikang Ingles sa Spain kada taon.

Nagpulong si Dept. of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones at Spanish Ambassador to the Philippines Jorge Moragas nitong Agosto para sa promotion at pagtuturo ng wikang Kastila at kulturang espanyol sa Pilipinas.

Ayon kay Briones, nais ng Spain na palakasin ang collaboration sa teacher training sa pamamagitan ng Language Assistance Program (LAP).


Sa pamamagitan nito, magha-hire ang Spain ng 200 Guro kada taon para magturo ng English Language sa kanilang bansa.

Regular na nagsasagawa ng seminar ang Spain para sa LAP Participants.

Nais din ng Spanish Government na magkaroon ng pilot test para sa 10 indibidwal mula 2020 hanggang 2021 at para sa isang possible memorandum of understanding sa partnership.

Facebook Comments