200 guro kailangan ng Spanish Gov’t – DepEd

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni  DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones at  Spanish Ambassador to the Philippines Jorge Moragas ay nagkasundo na palalakasin ang ugnayan sa pagitan ng Spanish government at Philippine government lalung-lalo na ang pagtuturo ng Spanish language at  culture sa Pilipinas.

Ayon kay Secretary Briones, ang Spanish ambassador ay nagpahayag ng kanilang intensyon na ipagpapatuloy ang kanilang ugnayan sa  DepEd at pag-iibayuhin ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga guro sa pamamagitan ng kanilang Language Assistance Program.

Paliwanag ng kalihim  sa pamamagitan ng naturang program ang bansang Espanya ay nangngailangan ng 200 mga guro bawat taon para magturo ng  English language sa  Spain.


Nais aniya ng ambassador na magsasagawa ng regular na  seminars para sa Language Assistance Program  participants at ang layunin ay upang ma-organisa at masertipikahan ng DepEd kung saan nais nilang magkaroon ng pilot test para 10 individuals mula sa taong 2020 hanggang 2021 na posibleng magkaroon pa ng  Memorandum of Understanding (MOU).

Facebook Comments