Nagsama-sama ang mahigit 200 industry at sector leaders sa tatlong araw na environment forum para makabuo ng inclusive long-term policies na tututok sa multi-sectoral challenges para sa environmental resilience.
Nagawang pagsama-samahin ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang iba’t ibang stakeholders alinsunod sa pangako ng ahensiya na maprotektahan ang likas na yaman ng bansa at magkaroon ng inclusive at multidisciplinary dialogue sa lahat ng sector.
Ito’y upang matukoy ang mga pagsubok sa pagkamit ng isang environmentally-resilient Philippines.
Kabilang sa mga tumukoy ng mga actionable recommendation ay mga kinatawan mula sa government, civil society, academe, scientific institutions at mula development sectors.
Ang mga mabubuong rekomendasyon ay magiging bahagi ng policy agenda and multi-year Roadmap for Programs, Activities and Projects ng DENR.
Ang mga istratehiyang ito ay kinakailangang integrated sa isang science-based, risk-informed, ethical at equitable stewardship ng kapaligiran at likas na yaman ng bansa.