
Inaasahan bukas ang tinatayang 200,000 na mga pasaherong dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX transport hub sa Parañaque City.
Ito ay dahil bukas ang huling araw ng pasok ng mga opisina sa pampribado at pampublikong tanggapan.
Kapansin-pansin naman na mas kakaunti ngayon ang mga umuuwi sa mga lalawigan.
Sa katunayan, tambak ang mga bus na nakapila sa labas at papasok sa PITX.
Sa ngayon, umaabot na sa 125,674 na mga pasahero ang dumagsa sa nasabing transport hub.
Muli namang nagpaalala ang pamunuan ng PITX sa mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na items para hindi sila maabala sa kanilang biyahe.
Facebook Comments