CAUAYAN CITY – Umaabot sa mahigit na 200 mga kalalakihan ang nabenepisyuhan sa isinagawang Operation: Libreng tuli ng Northern Cagayan District Hospital.
Watch more balita here:CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA SA BRGY. TAGARAN
Sinabi ni Dona Mae Orteza, Administrative Officer, layunin ng programa na makapaghatid ng medical na serbisyo partikular na ang libreng tuli sa mga kabataan lalo na sa mga may edad na ngunit walang kakayahang magpatuli.
Maliban dito, nagsagawa rin ng information dissemination sa lugar ukol sa kalinisan sa pangangatawan, o proper hygiene.
Ayon kay Orteza, pinaka bata na sumailalim sa operasyon ay 8-anyos, habang ang pinakamatanda naman ay 34-anyos.
Bukod sa nasabing libreng serbisyo namigay rin ang ospital ng libreng gamot at reseta sa mga naging benepisyaro ng nasabing aktibidad.