200 milyong piso, ipinalalaan para sa pagpapatayo ng paaralan sa Marawi

Marawi City – Pinalalaanan ng 200 milyong piso ang pagpapatayo ng paaralan sa Marawi City.

Sa House Bill 5963 na inihain ni AANGAT TAYO Rep. Neil Abayon, agad na pinasisimulan ang pagtatayo ng Marawi City National High School bilang simbolo ng pagbangon ng lungsod.

Ang proyektong ito ay pangangasiwaan ng itatatag na special task force.


Ayon sa kongresista, mapapabilis ang pagbabalik sa normal ng buhay ng mga taga Marawi kung maibabalik na ang klase ng mga estudyante doon lalo na sa pinakamalaking paaralan sa lungsod.

Kasama na sa nasabing pondo ang pagbili ng lupa na tatayuan ng bagong Marawi City National High School, modernisasyon nito at seguridad hanggang sa pagtiyak na matatag ang gusali sa lindol at bagyo.

Kasama din sa panukala ang pagtayo muna ng pansamantalang learning facilities para maituloy na ang pag-aaral ng mga estudyante habang itinatayo ang Marawi City National High School.

Facebook Comments