Manila, Philippines – Napilitang lumikas ang nasa 200 pamilya mula sa dalawang barangay sa Carmen, Cotabato matapos maglunsad ang militar ng intense air-to-ground military offensives laban sa ISIS-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) simula pa noong Miyerkules.
Ayon kay Captain Napoleon Alcarioto, head ng Civil Military Operations (CMO) ng army’s 602nd brigade, ang mga evacuees ay kasalukuyang nakatira sa temporary shelter sa barangay Lawili sa Aleosan.
Nabigyan na rin ng initial assistance ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) tulad ng food relief packs ng local government units ng naturang mga bayan.
Nabatid na gumamit ang militar ng mg520 attack helicopters sa paglunsad ng air strikes.
Facebook Comments