Umabot na sa dalawandaang pamilya ang inilikas ngayon sa Lungsod ng Maynila dahil sa banta ng Bagyong Pepito.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasa kabuuang 830 na indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa iba’t ibang evacuation center para magpalipas sa pagdaan ng sama ng panahon.
Bukod sa Delpan Evacuation Center, inilikas na rin ang ibang residente ng Maynila sa Benigno Aquino Elementary School, Corazon Aquino High School, Herminigildo J. Atienza Elementary School, Rosauro Almario Elementary School, at Pedro Guevarra Elementary School.
Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA ngayong alas-otso ng umaga, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 ang Metro Manila.
Facebook Comments