200 Pamilyang Agta sa Quirino Province, Tumanggap ng Pamaskong Handog

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 200 pamilya ng mga Agta sa Sitio Diyoryong, Brgy. Disimungal, Nagtipunan, Quirino ang nakatanggap ng regalo at food packs mula sa Police Regional Office 2 katuwang ang Officers Ladies Club (OLC).

Kahapon, ipinamahagi ang nasa 450 regalo, food packs, hygiene kits at tsinelas sa mga mahihirap na pamilya sa bayan ng Ambaguio, 250 pamilya mula sa barangay Tucal, sa bayan ng Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Inihayag naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ang kanyang pasasalamat sa mga nagbigay ng donasyon upang maipagpatuloy ang pagbibigay tulong lalo na sa mga higit na nangangailangang pamilya.


Sa paraang ito aniya, naipapadama pa rin ang kahalagahan ng tunay na diwa ng kapaskuhan at ang pagsalubong sa punong-puno na pagmamahal na Bagong Taon.

Facebook Comments