200 pulis, ipinakalat sa paligid ng EDSA Shrine

Walang untoward incident na naitala ang Philippine National Police (PNP) sa ikatlong araw ng panananatili ng mga taga-suporta ng Pamilya Duterte sa EDSA Shrine.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, nananatiling normal ang sitwasyon sa paligid ng nasabing lugar.

Aniya, aabot sa 200 pulis ang ipinakalat ng PNP sa EDSA Shrine para tiyakin ang seguridad at kaayusan.


Nagmula aniya ang mga contingent mula sa pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) at Quezon City Police District.

Batay sa pinakahuling monitoring ng pulisya, hindi bababa sa 100 indibidwal ang kasalukuyang nagkakampo sa likod ng Edsa Shrine at hindi na ito nadagdagan pa buhat noong Martes.

Una nang isiniwalat ng PNP na may ilang kasama sa grupo ang umaming hakot at nabayaran matapos magreklamo ang ilan sa mga ito dahil kulang ang natanggap nilang pera.

Facebook Comments