Nagsagawa ng operation ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Commonwealth, Quezon City, ngayong unang araw ng pagpapatupad ng 70% capacity sa mga pampublikong sasakyan.
Sa operasyon na pinangunahan ni I-ACT Special Operations Leader, Ret. Col. Manuel Bonnevie, umabot sa 200 mga jeep, bus at UV Express ang kanilang nasita.
Halos punuan na kasi ang sakay ng mga pasahero malayo sa 70% capacity lamang.
Sa ngayon winarningan lamang ang mga sinita.
Pero sa susunod na lumabag ulit P2,000.00 na ang kanilang multa.
Samantala, may mga matatanda at bata rin ang inabutang nakasakay sa mga bus at jeep.
Sabi ng I-ACT bawal ito dahil nasa Alert Level 3 pa rin ang National Capital Region (NCR).
Bagama’t bawal sila isakay sa mga bus, jeeps, UV Express at iba pang uri ng Public Utility Vehicles (PUV), ay maari naman silang isakay sa mga taxi at pribadong sasakyan.
Tiniyak ng i-ACT na sa susunod na mga araw ay marami pa silang operasyon na ikakasa laban sa mga PUV na lumabag sa health protocol.