Iniulat ni Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na naipamahagi na ang 200 scanners sa mga tauhan ng PNP-HPG personnel na nagbabantay sa mobile checkpoints sa Metro Manila.
Ayon kay Nograles ang 200 scanners ay ginagamit na sa mga quarantine control points kasunod ng implementasyon ng online identification system na tinatawag na RapidPass para sa mas mabilis na pagdaloy ng mga sasakyan partikular na ang mga cargo trucks na may lulang essential goods.
Ang 200 scanners ay naipamahagi sa 48 QCPs na karamihan ay sa boundary ng Metro Mla at kalapit na probinsya tulad ng Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan.
Kasunod nito nakikiusap ang IATF sa publiko na pahabain ang pasensya saka sakali mang mahaba din ang pila sa mga checkpoint.
Paliwanag ni Nograles, ginagawa lamang ng mga law enforcers ang kanilang trabaho na maghigpit sa pagpapadaan o pagbbyahe ng mga exempted lamang sa ECQ.
Sinabi pa ni Nograles na kabilang din sa mga frontliners ang mga myembro ng PNP kung saan inilalagay din nila sa alanganin ang kanilang buhay para lamang maprotektahan ang mas nakararaming mga Pilipino.