200 seafarers na nabakunahan, nabigyan ng relief packs ng PCSO

200 marino na nabakunahan ang nabigyan ng relief packs ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Intramuros, Manila.

Pinangunahan ito ni Marie Louise Serojales bilang representante ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan-Garma.

Agad naman winelcome ni Ricky Gaviola, Personal Assistant to the President ng Associated Marine Officers and Seamen’s Union of the Philippines ang team ng PCSO at team ni Sen. Bong Go, kasama ang DSWD, DTI, PAGCOR, NHA, DOLE at OPAV.


Lubos ang pasasalamat ni Gaviola sa ibinigay na ayuda ni PCSO GM Garma para sa mga magigiting na seamen na biniyayaan ng free COVID-19 vaccines at natulungan din ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Nabatid na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Bong Go na bumuo ng crisis intervention team na agad na aagapay sa mga apektado ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad.

 

Facebook Comments