Dalawang daang (200) mangingisda mula sa unang batch ang tumanggap ng kanilang opisyal na Fisherfolk ID mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources katuwang ang City Agriculture Office.
Inilunsad din ang Fisherfolk Registration ID with QR Code upang ipalaganap ang programa ng FishR o Fisherfolk Registration.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998, na layuning matukoy at mairehistro ang mga mangingisdasa bansa upang mas maging maayos ang paghahatid ng serbisyo at mga benepisyo.
Inanyayahan naman ang iba pang sumisigay o nasa sektor ng pangisdaan na magparehistro sa programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










