200 TESDA SCHOLARS, NAGSIPAGTAPOS SA LIBRENG PAGSASANAY SA CALASIAO

Nagtapos ang mahigit 200 iskolar ng TESDA mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan sa kauna-unahang commencement exercises ng Global Skills Training Center Incorporated na ginanap sa bayan ng Calasiao kahapon, March 20.

Ayon kay Noel Mendoza, Presidente at CEO ng nasabing training center, layunin nilang maibahagi sa mga Pangasinense ang makabagong kaalaman at kasanayan lalo na sa larangan ng hi-tech services—bilang paghahanda sa mas maraming oportunidad sa trabaho.

Samantala, naging panauhing pandangal sa programa si Senator Bam Aquino, kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng hindi lamang libreng edukasyon kundi pati ang pagkakaroon ng disenteng trabaho para sa mga nagtapos.

Dagdag pa nito, patuloy ang kanilang suporta sa mga programang nagbibigay ng oportunidad sa kabataan at mga naghahanapbuhay.

Sa ngayon, bukas pa rin ang programa ng nasabing institusyon para sa mga nais makapag-aral nang libre sa iba’t ibang kursong kanilang inaalok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments