2,000 balikbayan boxes, target mai-deliver bago mag-Pasko

Courtesy: Bureau of Customs

Sisikapin ng Bureau of Customs (BOC) na mai-deliver ang natitira pang humigit-kumulang 2,000 balikbayan boxes sa warehouse sa Balagtas, Bulacan bago ang Pasko.

Ayon kay BOC Spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., sisimulan nila ang delivery ng mga balikbayan boxes sa mga probinsya ngayong linggo.

Karamihan sa mga package ay galing sa Middle East na sinasabing inabandona ng foreign courier services sa BOC.


Nagpapatuloy naman ang pag-claim ng ilang recipients sa kanilang packages sa naturang warehouse.

Ayon kay Dela Torre, para sa mga personal na kukuha ng package sa kanilang warehouse, kinakailangan lang na magpakita ng authorization letter, valid ID at kopya ng pasaporte ng nagpadala balikbayan box.

Samantala, bukas ay muling magpupulong ang legal team ng BOC para maisapinal ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa mga freight forwarding entities na nag-aabandona ng mga balikbayan boxes sa ahensya.

Facebook Comments