2,000 gasolinahan, nagpatupad na ng 2nd tranche ng excise tax sa langis

Nagsagawa ang ilang teams ng Department of Energy (DOE) ng unang round ng validation activities sa iba’t-ibang fuel retail outlets sa bansa.

Inatasan ang mga ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi na siguruhing tama ang pagpapatupad ng iba’t-ibang gasolinahan ng 2nd tranche ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng petroleum Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Umikot ang validation teams mula sa DOE-Oil Industry Management Bureau sa 22 ROs sa Quezon City, Caloocan at Malabon gayundin sa 57 ROs sa Luzon, 7 sa Visayas at 29 sa Mindanao.


Ayon sa grupo as of January 15, 1,639 ROs o 19% ng 8,630 ROs nationwide ang nagpatupad na ng second tranche ng excise tax sa langis.

Kasunod nito, nagpalabas na ang ahensya ng show cause order sa mga gasolinahan na una nang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo upang hindi pamarisan.

Base kasi sa komputasyon ng DOE, January 15 hanggang February 1 pa dapat magpatupad ng oil price hike dahil sa mga nabanggit na petsa inaasahang mauubos ang kanilang 2018 stock.

Facebook Comments