2,000 healthcare workers, nai-deploy ng pamahalaan sa ibang bansa

Nasa 2,000 healthcare workers na ang naipadala ng Pilipinas sa ibang mga bansa simula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na karamihan sa mga ito ay mga nurse.

Matatandaan na sa taong ito, nasa 7,500 lamang na healthcare workers ang papayagan ng pamahalaan na makapagtrabaho sa ibang bansa, lalo’t humaharap pa rin sa pandemiya ang Pilipinas.


Gayunpaman, dahil inaasahan na aniya ang pagluluwag pa ng mga protocol laban sa COVID-19, maaari na nilang mairekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maiakyat pa ang deployment cap para dito.

Bukod dito, una na rin aniyang nakapagsagawa ng nursing licensure exam ang Professional Regulation Commission (PRC) kaya’t mayroon na aniyang mga dagdag na registered nurses ang bansa.

Facebook Comments