2,000 hotel rooms sa Metro Manila, gagamiting isolation facilities

Nag-book ang pamahalaan ng 2,000 hotel rooms sa Metro Manila na gagamitin bilang isolation areas para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, malapit na kasing mapuno ang temporary health facilities o We Heal as One Centers, na kayang tumanggap ng 3,000 pasyente.

Pagtitiyak ni Dizon na binayaran ng pamahalaan ang mga nasabing hotel rooms.


Ang mga isolation rooms ay inihahanda kasabay ng inilunsad na Oplan Kalinga, kung saan nagbabahay-bahay ang local health officials para mahanap ang mild at asymptomatic cases.

Facebook Comments