Aabot sa 2000 mga pulis ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa National Museum of the Philippines sa Maynila para tiyaking magiging payapa ang gagawing inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director MGen. Valeriano de Leon, ang 2000 mga pulis ay manggagaling sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Habang may nakaantabay naman aniyang pwersa mula sa PNP Region 3 at PNP Region 4 sakaling kakailanganin
Bilang paghahanda rin sa inagurasyon sinabi ni De Leon na muling nagpulong nang nakaraang linggo ang mga kinatawan mula sa COMELEC, Armed Forces of the Philippines at PNP na pinangunahan ni PNP-OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Tiniyak naman ni De Leon na hindi makakapagsagawa ng rally malapit sa National Museum ang mga grupong magpo protesta dahil may nakalaang lugar para dito habang ang mga wala talagang permit to rally ay hindi papayagan na mag protesta kahit saan.