2,000 OFWs, sumalang sa PCR testing ng PCG

Nagpapatuloy ang isinasagawang RT-PCR testing ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga seafarers mula sa 12 cruise ships na nakadaong sa Manila Bay.

Sa pinakahuling tala ng PCG, umabot na sa 2,099 ang mga Overseas Filipino Workers o mga OFW na naisalang sa PCR testing ng medical team ng coast guard.

Unang sinimulan ang PCR testing noong Mayo a-dos na naglalayong ma-declogged ang mga cruise ships sa manila bay at ang mga hotel at resorts na nagsisilbing quarantine facility ng mga nakauwing OFW.


Nilinaw naman ni Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia na ang mga magnenegatibo lamang sa PCR testing ang papayagang makauwi sa kanilang mga tahanan sa loob ng 2-3 araw matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Ayon kay Admiral Garcia, inilalabas nila ang resulta ng swab testing sa loob ng 48-oras.

Ang mga magnenegatibong OFW na uuwi sa mga probinsya ay inihahatid mismo ng sasakyan ng gobyerno.

Samantala, nakiusap naman si Admiral Garcial sa mga OFW na manatili pa rin sa kanilang mga designated quarantine rooms habang hinihintay ang resulta ng kanilang PCR test at quarantine clearance para sa mga negatibo sa COVID-19.

Facebook Comments