2,000 pamilya, apektado ng pagbaha sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Umabot sa higit dalawang libong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos umapaw ang mga ilog ng Ala at kapingkong na sinabayan pa ng pagpalya ng daluyan patungo sa Liguasan marsh sa Maguindanao.

Sa ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) – humihingi ng ayuda mula sa pamahalaang panglalawigan si Lambayong para matulungan ang libu-libong naapektuhan ng baha.

Nagpadala na sila ng rescue team sa mga binahang lugar partikular sa apat na barangay.


Nagkaloob na ang pamahalaang bayan ng mga paunang ayuda sa mga binaha, habang inihahanda na ng PDRRMC ang tulong na ipaaabot sa mga biktima.
DZXL558

Facebook Comments