2,000 pamilya na nakatira sa Manila Bay, ililipat sa Tondo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Oversight Committee on Housing na ibibigay ang limang ektarya ng kanilang lupa sa Tondo, Maynila.

Nasa mahigit 2,000 pamilya na nakatira malapit sa Manila Bay ang makikinabang sa ibibigay na lupa.

Nakatakdang paalisin ang mga nakatira sa Manila Bay sa Isla Puting Bato na pagmamay-ari ng PPA sa harap na rin ng isasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.


Ayon naman kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, naglaan rin sila ng isang milyong piso para sa social preparation ng mga residente bago ang paglilipat sa mga ito.

Ipinatawag ni Speaker Gloria Arroyo ang oversight hearing ng House Committee on Housing and Urban Development, para usisain kung bakit hindi pa nai-aaward ng National Housing Authority sa mga residente sa Parola, Tondo ang parcel ng lupa na inisyu pa nito sa pamamagitan ng proklamasyon 15 taon na ang nakalilipas.

Facebook Comments