2,000 Pinoy repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw

Unang dumating ang 250 repatriates mula Bahrain sakay ng Gulf Air flight GF 154.

Habang isang libong Pinoy repatriates din ang nakatakdang dumating ngayong hapon mula sa Riyadh, Abu Dhabi, Dubai, at Qatar.

3 batch din ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na binubuo ng 750 ang dadating mamayang gabi mula Japan, Jeddah at Korea.


Samantala, 12 OFWs din mula China kabilang na ang tatlong seafarers ang dumating sa NAIA 1.

Sila ay inihatid ng Philippine Coast Guard sa quarantine facility para sa labing apat na araw na mandatory quarantine.

Facebook Comments