Sa pangunguna ni Chairman of the Board Bimbo Sinsuat Jr. at General Manager Leonora Gaudiano, iti-nurn-over ng Metro Cotabato Water District sa City Government of Cotabato ang 2,000 piraso ng jerry cans na magagamit sa oras ng kalamidad.
Ang naturang mga sisidlan ay magagamit na imbakan ng maiinum na tubig, mahalaga ito lalo’t higit sa panahon ng kalamidad tulad ng mga pagbaha na kalimitang nararanasan ng ilang barangay sa syudad partikular yaong mga nasa tabing ilog.
Malaki naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi maging ng mamamayan ng lungsod sa naturang kontribusyon na inisyatibo ng MCWD has initiated.
Facebook Comments