2,000 pulis, ipakakalat bukas sa anibersaryo ng People Power EDSA Revolution bukas

Manila, Philippines – Dalawang libong pulis ang idedeploy ng National Capital Regional Police Office bukas kasabay ng selebrasyon ng Ika-33 taong Anibersaryo ng People Power EDSA Revolution.

Sa media briefing, sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na bagamat walang abiso na natanggap ang pulisya tungkol sa mga ilulunsad na kilos protesta hindi dapat magpakampante ang mga otoridad.

Magtatalaga din ng mga pulis sa Mendiola sa Maynila at iba pang lugar na pinagdadausan ng rally upang matiyak na maayos at mapayapa ang selebrasyon bukas.


Samanatala, iniharap na sa media kanina ang isang lalaki na nahulihan ng granada habang paapsakay sa MRT 3 sa Cubao Station.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang intensyon ang lalaki na manggulo at nais lamang niyang isoli ang granada sa kanyang kapatid na sundalo na nakatalaga sa Tagaytay.

Sa panig ng pulisya, malaki ang pananagutan ng lalaki na mahaharap ng kaso na may katapat na habang buhay na pagkabilanggo.

Facebook Comments