Inihayag ng Pamunuan ng Department of Education (DepEd) na idodonate nila ang 2,000 na mga tablet sa malalayong lugar ng bansa na ibinigay ng Chinese Embassy sa ahensya.
Hindi naman nagbigay ang DepEd ng listahan ng mga pampublikong paaralan at lugar na kanilang pagbibigyan.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones layunin nito na patuloy masuportahan ng DepEd ang distance learning na ipinatupad bunsod ng COVID-19 pandemic.
Aniya, binubuo pa ng kagawarang ang kwalipikasyon kung sino ang mabibigyan ng nasabing mga tablet.
Kahapon, pormal na itinurn-over ng Chinese Embassy ang 2,000 na mga tablet sa DepEd na pinangunahan ni Chinese Ambasador Huang Xilian at ilang mga matataas na opisyal ng kagawaran.
Facebook Comments