Mas matututukan ang disiplina ng mga TODA members sa Bayambang sa pagsunod sa mga alituntunin at patakaran na itinakda ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng TODA ID o katibayan ng pagkakakilanlan ng mga rehistradong pampasaherong traysikel.
Humigit-kumulang 2,000 miyembro ng iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa Bayambang ang nabigyan ng ID na pinangunahan ng Task Force Disiplina.
Iginiit sa pamamahagi ang kahalagahan ng pagsunod sa mga itinakdang regulasyon para sa kaligtasan ng parehong driver at pasahero.
Sa ilalim ng TODA ID, inaasahang magiging epektibo ang monitoring at beripikasyon ng mga driver na lehitimong miyembro ng kanilang asosasyon.
Inaasahang makatutulong din ang sistemang ito upang mabawasan ang mga hindi rehistrado o kolorum na pumapasada, mapanatili ang kaayusan sa mga terminal, at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa bawat biyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










