20,000 katao, inaasahang dadagsa sa Libingan ng mga Bayani ngayong bisperas ng Undas

Aasahan ng namamahala sa Libingan ng mga Bayani na aabot sa 20,000 indibidwal ang dadagsa sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.

Ayon kay Engineer Claire Abiso, chief ng job order ng Philippine Army, aasahan nila na alas-10:00 ng umaga ay dadagsa ang mga dadalaw sa Libingan ng mga Bayani.

Kahapon aniya ay bukas na sa mga bisita ang Libingan ng mga Bayani at umabot sa 4,000 ang dumalaw kahapon.


Inaasahan naman ni Abiso na 50,000 indibidwal ang kabuuang bilang na dadalaw sa Libingan ng mga Bayani sa buong panahon ng Undas o mula October 31 hanggang November 2.

Mababa aniya ito kung ikukumpara noong 2019 na paggunita ng Undas na umabot sa 94,000 ang mga dumalaw.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga bisita dito sa Libingan ng mga Bayani kasabay ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad.

Facebook Comments