Mayroon nang nagpapatuloy na inter-island pork supply mula sa Visayas at Mindanao para suplayan ng karne ng baboy ang Metro Manila.
Ito’y sa gitna kakulangan ng buhay na baboy dulot ng pamemeste ng African Swine Fever.
Ayon kay Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo, kabilang sa mga nagsusuplay na sa Metro Manila ay ang Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Sinabi pa ni Domingo na sa buwan ng Setyembre ay nakapaghatid na ng 20,000 na live hogs o buhay na baboy sa Luzon.
Pinakamaraming nai-supply ang Region 6 na nakapaghatid ng 3,908 na live hogs at sinusundan ng Region 11 na mayroong 2,025 na buhay na baboy.
Facebook Comments