20,000 na mga tauhan ng iba’t-ibang Government agencies itatalagang mag-bantay sa 30th Sea Games

Aabot sa 20,000 na mga tauhan ng ibat-ibang ahensya ng Gobyerno ang magbibigay ng mahigpit na seguridad sa gagawing 30th South East Asian o SEA games sa bansa mula November 30 hanggang December 11.

Ito ang kinumpirma ni PNP Officer in charge Lt Gen Archie Gamboa.

Aniya ang 20,000 personnel ay magba-bantay sa 10,000 mga manlalaro mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos,Malaysia, Myanmar, Thailand, Timor Leste, Singapore Vietnam at Philippines na makikiisa sa 56 Sporting events.


Partikular na babantayan ang lugar na pagdarausan ng laro, crowd control, vehicular at pedestrian traffic direction, mga ruta, at parking.

Ang gagawing mahigpit na pagbabantay sa gaganaping SEA games ay upang matiyak na magiging maayos at payapa ito.

Facebook Comments