20,000 Personal Protective Equipments galing China, dumating na; 1 pang barko ng Philippne Navy, nakarating na rin sa China para kumuha ng mga karagdagang medical supplies

Nakabalik na kahapon sa bansa ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force bitbit ang mga biniling medical supplies sa Fujian China.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, alas-4:00 ng hapon dumating sa Villamor Airbase ang C-130 sakay ang 20,000 Personal Protective Equipments na aabot sa halagang 30 milyong piso.

Tuloy naman ang air operations ng Philippine Air Force bilang suporta sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.


Samantala, nitong nakalipas na Sabado naman, nakarating na sa Xiamen China ang isa sa barko ng Philippine Navy na BRP Bacolod City.

Sila naman ang magbibitbit ng 23,385 boxes ng mga Personal Protective Equipment na inaasahang makakabalik sa bansa sa susunod na buwan.

Umalis sila sa Pilipinas noong pang April 21, 2020.

Facebook Comments