Manila, Philippines – Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa humigit kumulang na P1,000 ang filing fee o babayaran ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) operators na may tatlong sasakyan na gustong maisama sa franchise master list.
Sa sandaling mapasama na sa franchise master list, ang mga units ay papayagan nang makapag-operate bilang TNVS vehicles.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, ang
filing fee sa unang dalawang units ay nasa P510 at P10 para sa legal research fee.
Ang application fee para sa dagdag na units at itinakda sa P400.
Una nang nagbukas ang LTFRB ng 20,000 na bagong slots para sa TNVS franchise applications.
Facebook Comments