Inaasahang darating na sa bansa sa Hunyo 15 ang 200,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ito mismo ang kinumpirma sa kanya ng U.S. company na Moderna.
Magtutuluy-tuloy na aniya ito sa mga susunod na buwan.
Paliwanag ni Romualdez, aabot sa 20 milyong doses ng bakuna ang binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa Moderna.
“And I think they’re quite confident that they will be able to rolling in the vaccines and the delivery of our vaccines starting June 15. And then, it will start increasing in succeeding months, July, August, September up to the end of the year. They will complete the 20 million before the end of the year,” ani Romualdez.
Sinabi pa ni Romualdez na sa Mayo naman inaasahang darating ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine na una nang naantala noong Pebrero dahil sa kawalan ng indemnification deal.
Isinasapinal na aniya ng gobyerno ang mga kinakailangan para makumpleto ang transaksyon.
“As far as the Pfizer, for instance, we’re going through the COVAX Facility initially and they [garbled] hundred and seventeen thousand that we’ve been waiting for will most likely be coming in next month. We’re hopeful it will be coming in next month. But then, we have another 2.3 through the COVAX Facility,” dagdag pa ni Romualdez.
Unang sinabi ng Pfizer na nagiging maingat lang ito pagdating sa pananagutan hinggil sa mga mababakunahan lalo pa’t Emergency Use Authorization (EUA) pa lang mayroon ang lahat ng mga bakuna kontra COVID-19.