200,000 ghost students sa Mindanao, ibinunyag ni Senator Zubiri

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Senator Zubiri ang 200,000 ghost students Mindanao na aniya’y isa sa mga sanhi ng matinding kahirapan sa rehiyon.

Tinalakay ito ni Zubiri sa pagdinig ng panukalang budget para sa Southern Philippines Development Authority (SPDA), Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), at Office of the Presidential Assistant on the Peace Process (OPAPP).

Sa nakuhang impormasyon ni Zubiri, dinodoktor ng mga principals, supervisors at guro ang rolls of students para makakuha ng mas malaking pondo.


Bunsod nito ay iginiit ni Zubiri ang pagrepaso sa system ng paggastos sa pondo para sa mga pampublikong paaralan.

Pinapasumite ni Zubiri sa SPDA at OPAPP ang komprehensibong plano para mapabuti ang sistema ng edukasyon sa Mindanao.

Facebook Comments