Inaasahang aabot sa 200,000 na katao ang dadalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila ngayong linggo.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Director Cris Villonco, bukod kasi sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng first family, may mga kilalang personalidad din ang dadalo sa naturang event.
Kasama sa mga performer sina Andrew E., Jose at Wally, Geneva Cruz, Arci Munoz at Ronnie Liang.
Ang Bagong Pilipinas Rally ay mapapanood nang live sa social media para sa mga hindi makakadalo sa Grandstand.
Magkakaroon naman ng “Serbisyo Fair” ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung saan pwedeng makakuha ng National Bureau of Investigation o NBI clearance at police clearance, registration sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, Philippine Statistics Authority, at iba pang transaksyon.
Sinabi ni Villonco na ang rally ay isang “call to action” o paghimok para sa mga Pilipino na lumahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang bansa.