200,000 National ID kada araw inaasahang magagawa simula sa sa katapusan ng Marso – PSA

Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung bakit naunang magkaroon ng National ID sina Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Psa Assistant Secretary Rosalinda Bautista na inuna nila ang Pangulo para maipakita sa publiko na handa na tayo sa National ID system.

Aniya, sa Marso 22 pa ang nakatakdang pag-uumipisa nila ng full production para sa mga nagparehistro nang Pilipino.


Dagdag pa ni Bautista, inaayos pa nila sa ngayon ang magiging sistema para mapaabot sa 200,000 ang makakayang i-produce na ID sa loob nang isang araw.

2018 nang pirmahan ni Pangulong Duterte bilang batas ang PhilSys act na layong gawing isa na lamang ang government ID na gagamitin ng mga Pilipino.

Facebook Comments