Umabot na sa 200,000 returning overseas Filipinos, kabilang ang 159 bata ang natulungan ng help desks ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang mga help deks ay nakatalaga sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“Ang DSWD help desks na nakatalaga sa NAIA Terminals 1 to 3 ay nakapagbigay ng kaukulang serbisyo sa may halos 200,000 overseas Filipinos,” sabi ng Bautista.
Dagdag ni Bautista, 86 ay mga menor de edad na walang kasama, 73 ay menor de edad na may kasamang authorized guardian o magulang at ang natitira ay mga distressed OFWs.
Nagsagawa rin ang DSWD ng Depression Anxiety Stress Scale (DASS) tests mula sa 10,000 OFWs kung saan nasa 1,000 OFWs ang nakitaan ng “moderate, severe, at extreme severe results” at binigyan ng online psychosocial at emotional support services.
Ang inisyatibo ay isinagawa katulong ang Department of Health (DOH) at United Registered Social Workers.