2,001 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawang libo’t isa na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Pero nasa dalawang libo isandaan at animnapu’t siyam naman ang naitalang bagong gumaling sa sakit.

Dahil dito, bumaba sa 16,314 ang active cases mula sa 16,482 na naitala noong Huwebes.


Tuloy-tuloy rin ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa buong bansa na ngayon ay nasa 23 percent.

Batay naman sa projection ng OCTA Research Group, posibleng makapagtala ng 1,700 hanggang 1,900 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Facebook Comments