201 barangays sa Pasay, nabenepisyuhan ng Kadiwa on Wheels program

Umaarangkada na ang Kadiwa on Wheels sa 201 mga barangay sa Pasay City.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Asec. Kristen Evangelista, ang mga gulay na kanilang binebenta sa Kadiwa on Wheels ay direkta nilang binili sa mga magsasaka sa Benguet at iba pang lugar sa Northern Luzon.

Aniya, hindi maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto dahil sa Luzon lockdown kaya sila na lamang ang bumibili ng agricultural products.


Ayon kay Evangelista, pinaplantsa na rin nila para makarating sa mga pamilya na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang iba pang mga bilihin tulad ng isda, karneng manok at karne ng baboy.

Ayon naman kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, apat na barangay kada araw ang target ng DA na madalhan ng mga produktong pang-agrikultura.

Facebook Comments