2014-2016 plates, ilalabas sa kalagitnaan ng 2020

Ilalabas sa kalagitnaan ng 2020 ang mga lisensyadong plaka ng sasakyan na nakarehistro bago nag-umpisa ang Duterte administration.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante, ang plaka mula 2014 hanggang June 30, 2016 ay nakatakdang ilabas sa mid-2020.

Ang backlog sa license plate mula Pebrero 2014 hanggang June 2016 ay aabot sa 5.8 million para sa mga sasakyan at 2.5 para sa mga motorsiklo.


Aminado si Galvante na nagkaroon ng problema sa supply materials kaya naantala ang paglalabas nito.

Facebook Comments