2016 Miss International Kylie Verzosa- Nagcourtesy Call Kay P-Duterte

16

MANILA – Muling nagkita si Pangulong Rodrigo Duterte at 2016 Miss International Kylie Verzosa sa Palasyo ng Malacañang.Ang courtesy call ni Verzosa kay Pangulong Duterte ay kasabay ng traditional lighting ng Malacañang christmas tree sa Malacañan Palace grounds kagabi na pinangunahan ng dating alkalde ng Davao City.Nagbigay din ang pangulo ng bouquet ng bulaklak kay Miss International 2016.Nasungkit ni Kylie ang Miss International 2016 pageant na ginanap sa Japan noong October 27.Dalawang araw bago ang kompetisyon ay nagkaroon ng pagkakataon na magkita si Kylie at Pangulong Duterte na nasa Japan noon para sa state visit.

Facebook Comments