Manila, Philippines – Naniniwala si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na maituturing na pinakaseryosong kabiguan sa parte ng senado ang nawawalang audit logs ng 38 mula sa 40 ballot boxes mula Camarines Sur para sa 2016 vice presidential elections.
Ayon kay Marcos, minaliit lang ang kahalagahan ng mga audit log na kinakailangang i-produced mandato na rin ng batas.
Iginiit pa ng gobernadora, nakasaad sa audit log ang sequence o timing ng botohan.
Isa ang Camarines Sur sa tatlong probinsyang bahagi ng electoral protest ng kapatid ng gobernadora na si dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa ilalim ng omnibus election code, ang senado at kamara ay tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa pagta-tally ng mga boto.